Muling pinatunayan ng pole vaulterna si EJ Obiena kung bakit siya ang brightest hope ng Pilipinas para sa global athletics glory.
Ito’y matapos muling umiskor si Obiena ng kanyang unang panalo ngayong taon, na nanguna sa Orlen Cup sa Poland noong Sabado.

Nabatid na nakuha nito ang season-best 5.81 meters sa unang subok para manalo sa tournament, matapos ang eighth-place finish, apat na araw ang nakakaraan sa Beijer Stavhoppsgala Uppsala sa Sweden.
Pero sa pagkakataong ito, nakuha ni Obiena ang taas at lampas pa para sa 5.90 at 5.95 m, sa tangkang muling maitala ang Asian record na 5.93 m.