Minarkahan ng komedyante na si Vice Ganda at ng kaniyang nobyo na si Ion Perez ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan nitong Lunes, October 25.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Vice ang ilang sweet photos nila ni Ion.
Mababasa naman sa caption ng post, “3 years of not giving a f— about other people’s thoughts and judgements. 3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And i love winning in life with you,”
Gumamit rin si Vice ng hashtags na #ThreeYears and #ViceIon.
Samantala, sa Twitter naman ay nagpasalamat si Vice sa lahat ng ViceIon supporters.
