Delta sub-variant, na-detect sa Pilipinas ayon sa DOH

Ibinunyag ng Department of Health na na-detect sa bansa ang isang kaso ng B.1.1.318 o Delta sub-variant na unang natuklasan sa Mauritius noong Hunyo.

Tinukoy ng DOH ang kaso bilang isang 34-anyos na lalaki na may sample na kinuhanan ng sample noong March 10 mula sa laboratoryo ng Philippine Red Cross.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may travel history ang pasyente sa United Arab Emirates, at dumating ito sa Pilipinas noong March 5.

Ipinunto ng opisyal na naka-recover ang lalaki mula sa infection noong March 21, at ang local address nito ay nasa Bacolod City sa Negros Occidental.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ipinaliwanag ni Vergeire na ang Delta sub-variant ay tinukoy ng World Health Organization bilang “variant under monitoring” noong June 2.