Pagbabawal sa mga pampublikong pagtitipon ngayong Undas muling ipinaalala ng LGU Mercedes

CAMARINES NORTE – Muling nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kaugnay sa mga ipinagbabawal sa pagunita ng Undas.

Sa isang pahayag sinabi ng Lokal na Pamahalaan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga pampublikong pagtitipon gaya ng family reunions, paglalagay ng mga tent, mga sidewalk vendors, at anumang Halloween activity.

Ang pagtalima  sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at physical distancing ay kinakailangan umanong sundin sa lahat ng oras habang ang buong bansa ay nasa ilalim ng community quarantine.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Pinapayuhan ang lahat na gawin ang mga nakaugaliang tradisyon ng pagdalaw sa mga puntod ng mga namayapang mahal sa buhay gaya ng pag-aalay ng dasal, bulaklak, pagsindi ng kandila, at paglilinis ng mga libingan bago sumapit ang October 29 at pagkatapos ng November 2. 

Matatandaang nagpalabas ng Executive Order si Mayor Dante Morales noong nakaraang Linggo kaugnay sa pansamantalang pagsasara sa publiko sa pagunita ng Undas sa mga nabanggit na petsa.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ito ay upang maiwasan ang siksikan at bilang pagtalima  sa safety protocols laban sa COVID-19 alinsunod sa itinatakda ng Inter Agency Task Force.

Nagpatawag na rin ng pagpupulong kahapon ang Alkalde upang pag usapan ang mga gagawing paghahanda ng LGU sa pagunita ng Undas.

Photos courtesy: MDRRMO Mercedes