Vaxx supply, sapat hanggang sa next admin

Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez na sapat pa rin ang suplay ng bakuna hanggang sa susunod na administrasyon.

Ayon kay Galvez, tinatayang aabot pa ng hanggang sa 98-100 million doses ang mamanahin ng papalit na gobyerno matapos ang halalan.

Aniya, tiyak na malaki ang matitipid ng susunod na pamahalaan sapagkat labis-labis pa ang suplay ng bakuna para sa mga Pilipino.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Dahil dito, muling hinikayat ni Galvez na palakasin pa ang pagpapabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa mga rehyong mababa pa rin ang vaccination rate.

Bago ito, una nang kinumpirma ng National Task Force against COVID-19 ang commitment ng COVAX facility sa pagsusuplayng bakuna sa Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Muli ring pinamadali ni Galvez sa HTAC ang rekumendasyon para sa pag-administer ng 2nd dose ng booster shots para sa iba pang sektor maliban sa mga immunocompromised kagaya ng mga senior citizens, healthcare workers, pati na rin sa mga OFWs at mga seafarers.
#