Extension ba o bagong hepe?
Ito ang naging apela ilang mambabatas sa Palasyo hinggil sa magiging kapalaran ni PNP Chief Dionardo Carlos na nakatakda nang mag-retiro sa Mayo a-otso; bisperas ng Eleksyon.
Sa pahayag, sinabi ni Senador Francis Tolentino na sana raw ay makapagbigay na ng final order si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.
Giit ng mambabatas, marami pang tinitutukan sa ngayon ang pambansang pulisya lalo na ang pagtitiyak sa seguridad ngayong halalan.

Bagamat mayroon ngayong umiiral na appointment ban, umaasa si Tolentino ng desisyon sa pinal na tugon mula kay Duterte.
Sa ganitong paraan aniya ay mas makakapag-focus ang PNP sa pagpapanatili ng peace and order ngayong halalan.
#