Muling kinalampag ng Senadora Grace Poe ang mga ahensya ng gobyerno na madaliin na ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga draybet at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Ito ang naging panawagan ni Poe kasabay ng patuloy pa rin na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa mambabatas, umaasa ang mga PUV drivers, operators, pati na rin ang mga tricycle drivers, na matatanggap nila kaagad ang ayuda matapos silang sabihan na magbukas ng e-wallet accounts.

Giit ni Poe, hindi na dapat pahabain at patagalin pa ang pag-aray ng mga tsuper at operators dahil mas kinakailangan nila ang ayuda na ito sa ngayon.
Umaasa din ang Senadora na mas marami pang mga PUV drivers ang kukuhanin ng gobyerno para sa pagbibigay ng libreng sakay sa ibang mga ruta, matapos ma-lift ang spending ban para sa Service Contracting Program.
#