Lalo pang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagdadalawang isip na magpabakuna laban sa COVID-19 sa 10%.
Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, laging naghahanap ang gobyerno ng mga paraan para mahikayat ang naturang 10% vaccine-hesitant population na magpabakuna.
Ilan umano sa mga hakbang na ito ay ang house-to-house efforts at tuloy-tuloy na vaccination drives.

Una nang sinabi ng Department of Health na hindi naabot ng gobyerno ang target na five-million vaccination target sa third wave ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive na nagsimula noong February 10 hanggang 18. //MHEL PACIA-TRINIDAD