Metro Manila mayors pag-uusapan ang pagbaba ng Alert Level 1 sa Marso

Pagpupulungan na ng mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council ang posibilidad na isailalim ang National Capital Region sa Alert Level 1.

Ayon kay officer-in-charge at general manager ng Metropolitan Manila Development Authority Atty. Romando “Don” Artes, kabilang sa tatalakayin bukas ang rekomendasyong pairalin ang “new normal” sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Sa ilalim ng “new normal,” magbubukas na ang lahat ng aktibidad ng ekonomiya nang walang limitasyon sa edad at bilang ng mga tao, wala nang bawal sa mga establisimiyento at pagbiyahe.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Sa kabila nito, mananatili ang pagsunod sa minimum public health standards, tulad ng pagsusuot ng face mask. //MHEL PACIA-TRINIDAD