‘Vaccine doses na naapektuhan ng storage problem sa Muntinlupa, dinala na sa UNICEF para sa evaluation’

Ipinadala na sa mga eksperto sa  United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) ang mga COVID-19 vaccine doses na naapektuhan ng aberya sa storage sa Muntinlupa City para malaman kung pwede pa itong maiturok sa tao. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire,  dapat hintayin ang report ng UNICEF.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Aniya, nakikipag-coordinate na ang DOH sa organisasyon para malaman natin kung magagamit pa ba ang mga nasabing vaccine doses. 

Mababatid na noong July 15, pansamantalang sinuspinde ng Muntinlupa City Government ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Festival Mall vaccination site dahil nabago ang temperatura sa facility na posibleng makaapekto sa kalidad ng mga bakuna.

Read More:  NBI summons Dubai-based vlogger over alleged fake claims on Marcos’ health

Sa inisiyal na imbestigasyon ng DOH, sinabi ni Vergeire na may kabiguan pagdating sa maayos na paglalagak ng mga vaccine doses. 

Una nang sinabi ng gobyerno na sinusubukang wag masayang ang mga vaccine doses dahil sa limitadong suplay.