Political meetings, pinakakansela ng DILG dahil sa banta ng Delta variant

Bago ang napipintong 2022 elections, hinimok ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pulitiko na ikansela ang kanilang mga meetings na posibleng maging “superspreader” events sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, mayroon silang natatanggap na mga ulat na nagsasagawa ng mass gathering at nagsisimula na ang mga pa-meeting ng mga pulitiko.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nanawagan ang opisyal sa mga aspiring candidates sa polls na wag munang magsagawa ng mga meeting dahil maituturing na itong mass gathering at posibleng maging superspreaded lalo na’t kung mayroong COVID-19 sa kanilang lugar.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ginawa ni Densing ang panawagn matapos na ma-detect ang local cases ng mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas.

Dahil sa banta ng nasabing mutation, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magpatupad muli ng mahigpit na restrictions para maiwasan ang mass gathering at superspreader events.