Vaccine czar- ‘very minimal’ lang ang nasayang ng COVID-19 vaccine sa Ph

Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na “very minimal” lang ang insidente ng mga nasayang na COVID-19 vaccines sa Pilipinas, kasunod ng ulat ng posibleng spoilage ng daan-daang doses sa Cotabato province.

Ayon kay Galvez, minomonitor ng local governments ang mga inilatag na hakbang para maiwasan ang naturang undesirable scenario.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Giit ng opisyal, sinusunod nila ang patakaran ng World Health Organization na may vaccine safety officer na tinitignan kada oras ang status ng mga bakuna, para matiyak na ang efficacy at ang cold chain system ay hindi nababasag sa storage.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Pinaniniwalaang nasa mahigit 300 Sinovac doses sa Cotabato province ang nasayang, matapos na maiwanang hindi nakasaksak ang freezer nito lang linggo, sa loob ng dalawang araw.

Giit ni Galvez, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naturang insidente, at sinusuri rin umano nila kung maari pa bang mapakinabangan ang naturang mga bakuna. // MHEL PACIA