Ibinahagi ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatiling nasa moderate risk ang National Capital Region (NCR) para sa COVID-19 transmission.
Paliwanag ni Duque, nasa -46% mula sa -39% ang two-week growth rate sa NCR mula May 2 hanggang 15.
Ibig sabihin aniya, bumabagal ang pagdagdag o paglaki ng COVID-19 cases.
Sa kanyang presentation, makikita na ang two-week growth rate sa NCR mula April 4 hanggang 17 o noong peak ng latest COVID-19 surge, ay nasa -5%, habang mula May 2 hanggang 15, ang two-week growth rate ay gumanda na nasa -46% na.
Para sa buong Pilipinas, sinabi ni Duque na ang two-week growth rate ay nasa -24% mula May 2 hanggang 15, na mas mababa kumpara sa 11% two-week growth rate na naitala mula April 4-17. // MHEL PACIA