Utang ng Naga City , umaabot na sa mahigit P600 milyon; babayaran sa loob ng 15 taon

NAGA CITY — Umabot na sa mahigit P600 million ang naitalang utang ng lungsod ng Naga simula 2022 hanggang ngayong 2024.

Sa datos na inilabas ng City Budget Office, nahahati sa apat na malalaking proyekto ang pinaggastusan ng loan sa Development Bank of the Philippines (DBP) , tulad ng Urban Redevelopment Projects na may tinatayang halaga na P200 milyon subalit nasa P173 milyon lamang ang nagamit na pondo; pagpapagawa ng Naga City General Hospital na nasa mahigit P348 milyon ang nagamit sa kabuoang utang na 350 milyon; Site acquisition for socialized housing projects na nasa P60 milyon at ang pagsasaayos ng Magsaysay to Balatas Road na nasa P49 milyon.

Bagaman hindi na inilagay, partikular na ang iba pang kabuoang detalye, ayon kay City Budget Officer, Frank Mendoza, ang hindi naggamit na loan, partikular na ang mga sobra sa estimated cost ng bawat proyekto ay nangangailangan ng pag-amyenda sa loan upang magamit ito.
At ang nasabing utang ng lungsod ay babayaran naman sa loob ng 15 taon kasama ang interest rate na nasa kabuoang 14 to 15 percent para sa apat na loan components o malalaking proyektong pinaggastusan. Ayon pa kay Mendoza, ito ay hindi dapat isipin bilang pabigat o “burden” bagkus ay isang “advance benefits” sa mga Nagueño dahil nagagamit na ang mga pasilidad at proyektong hindi mapapakinabangan kung hindi uutangin ang pundo sa pagpagawa nito.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu