2024 Annual Budget ng 22 Barangay sa Naga City, aprobado na; Concepcion Pequeña, may pinakamalaking pondong mahigit 28 million pesos

NAGA CITY – Naaprobahan na ng Appropriation Committee ng konseho ng Naga City ang 2024 Annual Budget ng 22 Barangay pa lamang na kung saan ang pinakamataas ay ang Concepcion Pequeña na mahigit 28 milyong piso o halos 29 milyong piso na, ito naman kasi ang pinakamalaking barangay sa lungsod.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang pinakamababang budget naman ay ang Dinaga, na nasa tatlong milyong piso lamang mahigit, siya namang pinakamaliit na barangay na sinusundan ng Lerma at San Francisco na nasa apat hanggang limang milyong piso lamang.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Jess Albeus, Chairman ng Committee on Appropriation, iyong natitira pang limang barangay ay nasa proseso na rin ang proposal nilang budget, dadaan pa ito sa mabusising paraan ng konseho at sa budget office para i-review at saka na aaprobahan.