18-anyos na construction worker sa Lucena City, patay matapos barilin habang nagtatrabaho

Patay ang 18-anyos na lalaki mula Pangasinan nang barilin ito habang nagtatrabaho sa isang construction site sa Lucena City ngayong umaga ng Sabado, Hunyo 1.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News Fm Lucena kay PLtCol. William G. Angway Jr., Officer In Charge ng Lucena CPS, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Dagdag pa nito, dating galit ang motibo sa nangyaring krimen dahil nakasamaan ng tingin ng biktima ang kapatid ng suspek bago mangyari ang insidente.

Humingi naman umano ng pasensya ang biktima ngunit binalikan pa rin ito ng suspek at doon na ito binaril.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng follow up operation ang mga awtoridad para mahuli ang nakatakas na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *