US Senate unanimous na kinondena si Putin bilang war criminal

Unanimous na nagpasa ang U.S. Senate ng resolusyon na nagkokondena kay Russian President Vladimir Putin bilang war criminal.

Ito ang bibihirang pagpapakita ng pagkakaisa sa hati-hating Kongreso.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa resolusyon na inihayag ni Republican Senator Lindsey Graham at sinuportahan ng mga senador sa parehong partido, hinikayat ang International Criminal Court (ICC) sa The Hague at iba pang mga bansa na targetin ang Russian military sa anumang imbestigasyon sa war crimes na nagawa sa paglusob ng Russia sa Ukraine.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon kay Democratic Senate Majority Leader Chuck Schumer, nagkakaisa ang kapulungan, kasama ang Democrats at Republicans, sa pagsasabing hindi matatakasan ni Putin ang pananagutan para sa atrocities na ginawa sa Ukrainian people. //MHEL PACIA-TRINIDAD