US President Joe Biden magpapasya kong patuloy ang panghihimasok ng Russia sa Ukraine

Tiniyak ni President Joe Biden kay Ukraine President Volodymyr Zelenskiy na magpapasya ang America at mga kaalyadong bansa kung mas lalala ang panghihimasok ng Russia.

Ang pahayag ay ginawa ni Biden ilang araw matapos ang ikalawang pulong  nito kay Russian President Vladimir Putin.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Sinabi ni White House Spokesperson Jen Psaki na nagkausap na sina Biden at Zelenskiy tungkol sa paghahada sa serye ng mga susunod na diplomatic meetings para matugunan ang krisis.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Zelenskiy  sa twitter na napag-usapan  ang mga joint actions para masiguro ang kapayapaan sa Europa at maiwasan ang posibleng paglala pa ng tensyon.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Dagdag nito, ang unang  pag-uusap nila ng  Pangulo ng  US ngayong taon ay patunay ng special nature ng relasyon ng dalawang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Europa.