Customs nakakolekta ng P17.9 billion sa rice duties mula Jan. 1 – Dec. 10, 2021

Pumapalo sa P17.9 billion in duties ang nakolekto ng Bureau of Customs mula sa 2.8 million metric tons (MT) ng rice shipments na pumasok sa bansa mula Jan. 1 hanggang Dec. 10, 2021.

Sa kanilang ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang kita mula sa rice imports sa naturang period ay mula sa shipments na nagkakahalaga ng combined amount na P51.37 billion.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Batay sa preliminary data, lumalabas na ang nakolektang import duties mula Jan. 1 hanggang Dec. 10 noong nakaraang taon, ay tumaas ng 21.9 percent, mula sa P14.72 billion sa kaparehong period noong 2020.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi naman ni Guerrero na mula Dec. 1 hanggang 10 noong nakaraang taon, ang volume ng rice imports ay tumaas ng 487.9 percent, at ang revenue ay tumaas rin ng 475.8 percent. Sa parehong period, ang rice import volumes ay pumalo sa 118,656 MT, mula sa 20,181 MT na naitala sa parehong period noong 2020.