Inotorisa ng Estados Unidos ang paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga bata na 5-11 taong gulang.
Dahil diyan ay inaasahan ng US na mababakunahan na ang karagdagang 28-million na young Americans kontra COVID-19.
Inilabas ng US ang naturang desisyon matapos i-endorso ng high-level medical panel nito ang COVID shots ng Pfizer.
Sinabi ng panel na mas matimbang ang benefits na pwedeng makuha ng mga bata mula sa pagpapabakuna kumpara sa risks ng side-effects nito.
Bukod sa US, ay inotorisa na rin ng mga bansang China, Chile, Cuba, at United Arab Emirates ang inokulasyon ng mga kabataan gamit ang iba’t-ibang brand ng bakuna.
