EJ Obiena, nag-countdown na para sa Paris 2024 Olympics

Naka-focus ngayon ang Filipino pole vault stand-out na si EJ Obiena na makakuha ng panibagong pagkakataon na magwagi ng medalya sa Olympics sa 2024 Paris Games.

Mababasa sa Facebook post ng Southeast Asian Games gold medalist at record holder ang 999 days countdown nito para sa Paris Games.

Matapos ang kaniyang kabiguan sa Tokyo Olympics noong July, ay nakatitiyak ngayon ang 25-anyos na si Obiena na kaya nitong mag-qualify muli sa quadrennial games.

Umaasa rin si Obiena na makakauha na ito ng medalya sa susunod na Olympics.

Mababatid na bukod sa kaniyang coach na si Vitaly Petrov at Italian trainers ay makakakuha rin si Obiena ng Psychologist na kahalintulad sa naibigay noon sa kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Samantala, inaasahan naman na aaksyon muli si Obiena sa gaganapin na Hanoi Southeast Asian Games sa Mayo at Huangzhou Asian Games sa Setyembre.