Binatikos ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang aktor na si Albie Casiño matapos nitong sabihin na masaya ito ngayon dahil “super fat” na si Andi Eigenmann, na ex-girlfriend nito.
Sa deleted Instagram post ni Jaclyn ay umapela ito kay Laurenti Dyogi ng ABS-CBN na pigilan ang aktor sa pagsasalita.
Sinabi ni Jaclyn, “Nakikiusap ako nananahimik na si Andi… pero may sagot ako overboard din I just want to keep quiet… as a friend sa media ko sa sinasabi pigilan mo yang batang ignorante kaysa magsalita ako,”
Dagdag niya, “Lauren you can stop him or go on (rating) sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na,”
Ipinunto ng award-winning aktres na hindi niya ginustong ipalabas sa media ang kaniyang pahayag, ngunit kailangan niya itong gawin ngayon upang protektahan ang kaniyang anak.
Ibinunyag rin ni Jaclyn na binugbog umano ni Albie ang kaniyang anak habang nagdadalang-tao ito.
