Kaso ng pamamaslang sa dating squad leader ng NPA, ‘case cleared’ na

SORSOGON CITY – ‘Case cleared’ na ang kasong pamamaslang sa isang former rebel (FR) na naganap noong Biyernes Santo sa Calle Berdugo, Purok 4, Brgy Guinlajon, West District sa lungsod ng Sorsogon.

Sa impormasyon na ekslusibong nakuha ng Brigada News, kasong murder ang isinampa sa dalawang salarin, hapon noong Abril 18 sa City Prosecutor’s Office.

Ang dalawang salarin ay na-identipika ng mga awtoridad ang pagkakilanlan sa pamamagitan ng CCTV na naka-instala sa nasabing lugar.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Itinago muna ang pangalan ng mga akusado para hindi ito mabulabog habang ikinasa na ng tracker team ng Sorsogon City Police ang paghahanap dito.

Ang isang kaso ay ‘case cleared’ kung identified o may positibong pagkakilanlan na ang suspek o mga suspek, ito ay nasamphan na ng kaso at kasalukuyang tinutugis na.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kung matatandaan, ang former rebel at dating squad leader ng NPA na si Elvin Janapin Alzaga, 35-anyos ay pinagbabaril hapon noong Biyernes Santo ng dalawang gunmen sa nasabing lugar.

Si Alzaga ay tumiwalag sa hukbo at boluntaryong sumurender sa pamahalaan noong nakaraang taon. Kalaunan ay sumapi ito sa Cafgu Active Auxiliary (CAA) sa ilalim ng Delta Company ng 31st Infantry Battalion at hindi nagtagal ay kinuha ng 93rd CMO Company ng 9th CMO Battalion.