US: Diplomasya, nananatiling bukas para tapusin ang Ukraine standoff sa Russia

Naniniwala ang United States na maari paring maresolba ng diplomasya ang standoff sa Moscow laban sa Ukraine, pero ang banta ng Russian invasion, ay sapat nang dahilan para tanggalin na ang mga staff ng U.S. embassy sa Kyiv.

Ang pahayag ni U.S. Secretary of State Antony Blinken, ay matapos ang pulong sa Japanese at South Korean counterparts, kasunod ng babala ng Washington na ang militar ng Russia na nasa mahigit 100,000 na nagmartsa malapit sa Ukraine, ay maaring pumasok anumang oras.

Itinanggi naman ng Moscow, na may ganoon silang klaseng plano.

Samantala, nabatid na nakatakdang magpulong sina Germany Chancellor Olaf Scholz at Russian President Vladimir Putin, pero batay sa isang German source, hindi umaasa ang Berlin ng anumang “concrete results” mula sa naturang pag-uusap.