Ukraine: Di kailangan isara ang airspace sa gitna ng Russia tension

Walang nakikitang dahilan ang Ukraine na ipasara ang airspace sa gitna ng tensyon sa Moscow, matapos ang babala ng United States na posibleng invasion ng Russia sa eastern European nation, anumang oras.

Una nang sinabi ng Dutch carrier KLM na hindi na muna sila lilipad sa Ukraine at ang Germany’s Lufthansa naman ay ikinokonsiderang isuspende ang kanilang flights.

Inihayag naman ng Ukraine’s SkyUp na ida-divert nila ang isa sa kanilang flight, maytapos na harangan ang may-ari ng nirenentahang aircraft na makapasok sa Ukrainian airspace.

Pero ayon kay Mykhailo Podolyak, adviser ng Ukrainian president’s chief of staff, na nonsense ang pagpapasara sa airspace, dahil ito ay magpapakita lang ng tila partial blockade.

Dagdag ni Podolyak, kung ire-reconfigure man ng mga airlines ang kanilang flight schedule, ay wala umano itong kinalaman sa desisyon at polisiya ng kanilang gobyerno.