US border muling bubuksan para sa mga fully vaccinated

Nagtakda ng bagong patakaran ang US para sa mga foreign travellers kasabay ng pag-aalis sa mga flight restrictions sa kauna-unahang pagkakataon mula nang nagkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Magsisimula ang reopening ng US border sa susunod na buwan kung saan kabilang sa mga requirements na dapat ay fully vaccinated laban sa COVID-19 ang mga biyahero.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ni-require din ang mga airline companies na mabusising suriin ang mga vaccination card ng mga pasahero baho payagang makasakay ng eroplano

Matatandaan na maraming bansa ang pinagbawalang magkaroon ng biyahero sa America kabilang ang UK, maraming bansa sa Europa, China at India.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Kaugnay nito ay nagpatuloy ang panawagan ng travel industry kay US President Joe Biden na alisin na ang ban.

Una nang nagpatupad ng travel ban ang administrasyon ni dating US President Donald Trump at pinalawig ni Biden nang manungkulan siyang pangulo noong January 2021.