Simbahan, sementeryo binisita ng BFP bilang paghahanda sa pagunita ng Undas

CAMARINES NORTE – Binisita ng Bureau of Fire Protection ang mga pampubliko at pribadong sementaryo, simbahan at kapilya bilang paghahanda sa pagunita ng Undas.

Bagamat walang malakihang pagtitipon ngayong taon sa pagunita sa Undas dahil sa banta COVID- 19 ay nagsagawa pa rin ng Fire Safety Inspection ang mga kagawad ng BFP.

Kabilang sa binista kahapon ay ang St. Raphael the Archangel Parish Church at pampubliko at pribadong sementaryo sa bayan ng Basud para tingnan ang mga posibleng panganib at obstruction sa foot paths at passageways.

Ayon sa BFP, layon ng mga ganitong pagbisita na siguruhin ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang anumang untoward incident na may kaugnayan sa pagunita ng Undas.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matatagpuan sa sentro ng naturang bayan ang Basud Catholic Cemetery at ang St. Raphael Memorial park na isang pribadong libingan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Alinsunod sa inilabas na kautusan ng Inter Agency Task Force at Executive Order ng probinsiya, pansamantalang isasara ang mga sementaryo mula October 29 hanggang November 2.

Pero ang Catholic cemeteries ay mas matagal na isasara mula sa October 29 hanggang November 4.

Alinsunod naman naman ito sa Circular na ipinalabas ng Lokal na Simbahan.

Photos courtesy: Basud Fire Station