US at UK joint drills sa Philippine Sea, isinagawa sa gitna ng namumuong tensyon sa rehiyon

Ipinamalas ng UK at U.S. ang lakas ng kanilang sandatahang lakas sa pamamagitan ng isinagawang joint drills ng dalawang bansa sa Philippine Sea.

Ayon sa UK Royal Navy, pinangunahan ng 65,000-ton aircraft carrier na HMS Queen Elizabeth ang isinagawang drills ng mga barkong pandigma nito na kalaunan ay sinamahan ng USS America-led United States Expeditionary Strike Group 7.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Umabot sa tatlong squadrons ng F-35B jets ang dinala ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ipinunto ng Royal Navy na continous sa loob ng 48 oras ginawa ang joint air drills ng dalawang bansa.

Ipinunto rin ng Royal Navy na lumahok sa drills ang dalawang barko mula sa Maritime Self Defense Force ng Japan para sa maritime exercises.