Provincial Capitol Building isasailalim sa lockdown simula sa August 31 hanggang Sept 3

CAMARINES NORTE- Pansamantalang walang transaction ang lahat ng tanggapan ng kapitolyo probinsyal matapos na ipalabas ang kalatas kahapon mula sa tanggapan ni Gobernador Edgardo Tallado kaugnay sa pagsailalim sa Temporary Lockdown ng Provincial Capitol Building o  kapitolyo.

Simula August 31 hanggang sa  September 3, 2021 ay walang opisina.

Ito ay upang bigyang daan ang gagawing paglilinis o disinfection at decontamination sa mismong gusali matapos na maiulat na mayroong mga kawani ng kapitolyo ang nagpositibo sa COVID19.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nakasaad pa rito na lahat ay walang opisina maliban lamang sa mga tanggapan ng Provincial legal office, PDRRMO, Provincial jail o PCSSD at ang mga national agency tulad ng COMELEC, COA at NBI ay magkakaroon ng skeletal workforce o may providing Officer subalit, hindi tatanggap ng mga kaukulang kliyente.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hindi rin pinahintulutan na lumabas ng probinsiya ang sinumang kawani mapa job order man o casual maliban na lamang kung medical emergency o medical reasons.

Lahat ng kawani ay  kailangan lamang na manatili sa kanilang mga bahay o tahanan ayon na rin sa kautusan