Ibayong pag-iingat ipinaala ng barangay chairman sa Virac, Catanduanes kung saan nangyari ang sunog kahapon na nag iwan ng 4 na casualties

BNFM BICOL—Nagpaalala si Brgy. Chairman Antony Arcilla ng Brgy. Concepcion sa bayan ng Virac, Catanduanes sa mga residente ng kanilang barangay na magkaroon ng ibayong pag-iingat at regular na pag check sa mgan electrical wirings, appliances at iba pang kagamitan sa loob ng bahay na maaaring pagmulan ng sunog.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang insidente ng sunog kahapon sa naturang lugar kung saan apat na miyembro ng pamilya ang nasawi habang isa naman ang nasugatan makaraang matupok ng apoy ang inuupahan nitong bahay madaling araw ng Martes kahapon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng BFP na ang palyadong ‘electrical wirings’ ang pinagmulan  ng sunog kung saan hindi na nagawang isalba pa ng apat na biktima ang kanilang sarili makaraang ma trap sa loob ng bahay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kabilang sa mga nasawi ang mag ‘live in partner’ na sina Rosemarie Buentiempo, 28-anyos; Jzar Estacio, 25-anyos at ang kanilang dalawang menor de edad na anak.

Dagdag pa ni Arcilla, wala namang ibang bahay o establisiyementong pang nadamay sa naturang insidente habang pinasalamatan naman nito ang BFP-Virac, BFP-San Andres at BFP-Bato na silang mga rumesponde sa nasambit na sakuna.###