Kinondena ng United Nations ang patuloy na pagtaas ng karahasan sa Afghanistan sa ilang linggo nitong take over sa kapangyarihan sa nasabing bansa.
Ayon sa report, umabot na sa apat na tao ang napatay ng Taliban fighters sa mga nakalipas na protesta.

Sa report ng UN, gumagamit ang Taliban fighters ng mga baton at bala sa mga protesters.
Maliban sa mga protesters, ilang media personnel umano na nagko-cover sa mga protesta ang inaresto at binugbog ng mga Taliban fighters.
Kaugnay nito, umapela ang UN sa Taliban na tigilan na ang paggamit ng puwersa at arbitrary detention sa mga tao at sa mga mamamahayag na ginagawa ang kanilang trabaho.
Matatandaan na nagprotesta din ang grupo ng mga kababaihan matapos na ilahad ng Taliban ang kanilang all-male Cabinet officials kamakailan