Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte umakyat na sa 573

CAMARINES NORTE- Patuloy na nadaragdagan ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Kahapon sa ipinalabas na report ng DOH Bicol naitalang muli ang mataas na bilang na 42 new COVID-19 cases

Tig-12 bagong ang naitala sa bayan ng Daet at Labo, may 5 kaso nagmula sa bayan ng Paracale, 3 mula sa Vinzons

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Habang ang tig-dadalawang kaso ay nagmula sa mga bayan ng Jose Panganiban, Mercedes at Talisay

May tig- isang kaso naman ang bayan ng San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena

Bunsod nito pumalo na sa 573 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 dahilan upang umakyat sa 2,077 ang total cases.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nananatili naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit na may 1,425 at 79 na nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Ikinababahala ngayon ng Provincial IMT ang patuloy na pagakyat na naitatalang kaso ng sakit , kung kaya’t patuloy na nananawagan ito sa publiko na panatilihin ang pagtupad at pagsunod sa minimum health protocols