Tatlo sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Santa Elena

CAMARINES NORTE- Sugatan ang tatlo (3) katao sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo bandang alas 7:30 ng gabi nitong Setyembre 9, 2021 sa Purok 7, Barangay San Lorenzo, Santa Elena, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay nakilalang sina TIRSO BONAOBRA y BALON, 51 anyos, drayber ng  Euro Black Motorcycle scooter at residente ng Purok 8, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, ang drayber at backrider ng SYM Black motorcycle scooter ay nakilalang sina alyas “Tan” at alyas “Enzo” na pawang mga menor de edad at residente ng Purok 7, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte

Ayon sa ulat, habang binaybay ng parehong motorsiklo ang nasabing lugar ay bigla umanong inukupa ng motorsikong minamaneho ni BONAOBRA ang kabilang linya na nagresulta ng pagkakabangga nito sa motorsiklo na minamaneho naman ni alyas “Tan”, dahilan upang  magtamo ng pinsala o sugat ang mga biktima sa ibat’-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang mga biktima ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas

Samantala, ang mga motorsiklo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta.Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.