Pinaghahanda na ng grupo ng mga bakers ang publiko sa mas mataas na presyo ng Pinoy tasty at pinoy pandesal sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Tinapay Festival owner at Philippine Federation of Bakers member Luisito Chavez ang umento ay dahil sa pagtaas sa presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay.

Inilahad ni Chavez na ito ang napagkasunduan sa ginanap na pulong ng mga maliliit at malalaking manufacturer ng tinapay sa bansa.
Inamin naman ni Chavez na ipinagpaliban nila ang pagtaas ng presyo ng tinapay noong nakaraang taon matapos maki-usap ang Depertment of Trade and Industry (DTI) dahil sa pandemya at pasko.
Hindi pa naman masabi ni Chavez kung magkano ang itaaas sa presyo ng pinoy tasty at pandesal sa susunod na buwan.