7 probinsya nagtala ng mahigit 100% one-week COVID-19 growth rate

Umabot sa pitong mga probinsiya sa bansa ang nagtala ng mahigit 100 percent one-week growth rate ng COVID-19.

Ayon sa independent analytics group OCTA Research kabilang sa mga nagtala ng napakataas na growth rate ay ang Mountain Province na may 226 percent, 108 percent sa Ilocos Norte, 302 percent sa Davao del Sur, 234% sa Apayao,139% sa Iloilo, 307 sa Ifugao, at 177 percent sa Cebu.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa kabila nito nanatili naman ang pagbaba ng mga kaso sa Metro Manila na nagtala ng -50 percent growth rate.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Maliban sa Metro Manila bumaba rin ang kaso sa Cavite ng -16 percent, -41 percent sa Rizal at -41 percent din sa Bulacan.

Inihayag naman ng OCTA tanging ang Benguet ang probinsiya na mayroong mahigit 100 average daily attack rate (ADAR) sa 101.48.