Umakyat na sa 900 lugar sa buong Pilipinas ang isinailalim sa granular lockdown dahil sa COVID-19.
Sa inilabas na datus ng Philippine National Police (PNP) mas mataas ito kumpara sa 700 lugar na naiulat noong nakaraang araw.

Kabilang sa mga nadagdag ang 212 na lugar mula sa Cagayan na dati ay walang lockdown areas.
Nasa 330 lugar naka-lockdown sa Cordillera, 233 sa Ilocos, 106 sa National Capital Region, at 19 sa Mimaropa.
Umabot sa mahigit 2,500 indibidwal ang apektado sa granular lockdown.
Dahil dito nagdeploy ang PNP ng 211 personnel at 443 force multipliers para matiyak na nasusunod ang minimum health standards sa naturang lugar.