Umano’y ‘Davao model’ – pinaiimbestigahan na ni Marbil

Ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang masusing imbestigasyon sa umano’y paggamit ng “Davao model” sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Kasunod ito ng mabibigat na alegasyon ni retired Lt. Col at dating PCSO General Manager Royina Garma sa House Quad Committee.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Ayon kay Gen. Marbil, seryoso ang akusasyon at ang imbestigayson ay para matiyak ang transparency at pananagutan sa hanay ng PNP.

Binigyan-diin din ni Marbil ang kahalagahan ng tiwala ng publiko , lalo na’t patuloy ang kanilang recalibrated anti-drug campaign na inuuna ang karapatang pantao.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Iginiit din niya na ang pagpapahalaga at pag protekta sa karapatang pantao ang prayoridad sa kampanyang ito.

Samantala, nanawagan din ang PNP Chief sa mga ex-PNP Chiefs na linawin ang kanilang naging papel sa Anti-Drugs Operations ng nakaraang administrasyon.