DOJ, iimbestigahan ang mga rebelasyon sa House Quad Comm

Magsasagawa ang Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation at case buildup sa sandaling i-refer ng House of Representatives Quad Committee ang kanilang committee report sa ahensya.

Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, agad silang kikilos kapag natanggap na nila ang mga affidavits o kung may nag-file ng reklamo laban sa mga akusado, kabilang na ang mga pulis o mga pribadong indibidwal.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Maalalang kinumpirma ng retiradong police official na si Royina Garma ang pagtatag ng national task force na batay sa “Davao Model,” na nag uutos sa pagpatay sa mga drug suspects, pondo para sa mga planned operations, at reimbursement para sa kanilang mga nagastos.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’