Suspendido muna ang Permit to Carry Firearms Outside Residence sa buong National Capital Region.
Batay sa Memorandum mula kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil , ipinatupad ang suspension ng PTCFOR mula alas-12:01 ng hatinggabi kahapon dahil sa pagho-host ng Pilipinas sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction na magsisimula ngayong araw.
Inaasahan ang pagdalo rito ng libu-libong delegado mula sa gobyerno, international, national at civil society organizations , prvate sector at academe.
Tatagal ang suspension hanggang alas-12 ng hatinggabi sa July 18, ang araw ng pagtatapos ng conference.
Tanging ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines , at iba pang Law Enforcement Agencies na nasa kanilang mga official duties ang pinapayagang magdala ng baril.
Ayon sa PNP, layunin ng hakbang na tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo at maiwasan ang firearm-related incidents.