Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy nasa Pilipinas

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na makahanap sila ng paraan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na maresolba ang mga usapin na karaniwang kinakaharap ng parehong bansa.

Sa naging bilateral meeting ng dalawang lider kaninang umaga, nagpasalamat si Pangulong Marcos sa pagbisita ni Zelensky sa kabila ng mahigpit nitong schedule, matapos na hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap sa Shangri-La dialogue.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Nagpasalamat naman si Zelensky sa suporta ng Pilipinas sa kanilang territorial integrity at sovereignty, gayundin sa mga donasyon at contributions sa Ukraine.

Ayon kay Pangulong Marcos hangad nitong patuloy na makatulong sa Ukraine sa paraan na makakaya sa pamamagitan ng mga ahensya tulad ng European Union at United Nations.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Nabatid na nangangalap ng suporta si Zelensky sa first Global Peace Summit na gaganapin sa Switzerland sa darating ng June 15 hanggang 16.