DNA test kay Mayor Guo at alleged Chinese mom – mukhang malabo nang mangyari

Posibleng nasa China na ang mga sinasabing magulang ni Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Senador Win Gatchalian – maaaring wala na sa Pilipinas ang tatay ng alkalde na si Jian Zhong Guo, pati na rin ang hinihinalang ‘Chinese biological mother’ nito na si Wen Yi Lin.

May impormasyon umano sa Bureau of Immigration (BI) na wala sila sa bansa, at libre rin silang makapapasok sa China dahil sila nga ay mga Chinese citizens.

Dahil dito – mukhang malabo-labo pa raw matupad ang hamon ng Senador kay Guo at kay Wen Yi Lin na sumailalim sa DNA testing.

Sa hiwalay na panayam – sinabi ng isa umanong dating ‘consultant’ ni Guo na hindi niya ina si Wen Yi Lin.

Partner lang daw ito ng kaniyang ama, at isa lang daw sa mga incorporators ng kanilang korporasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *