Tumaas sa P1,072 kada araw ang kailangang kita ng isang pamilya na nakatira sa Metro Manila para mabuhay ng disente.
Ayon sa economic think tank na IBON Foundation ang family living wage ay para sa pamilya na mayroong limang miyembro.
Katumbas umano ito sa P25,252 kada buwan na dapat kitain ng pamilya na malayo sa kasalukuyang minimum wage sa NCR na P537 per day o P16,110 kada buwan.
Kasama sa mga ikinonsiderang arawang gastusin ay para sa pagkain, renta sa bahay, tubig, kuryente, gas, transportasyon, edukasyon, at ipon.
Nabatid na ang Metro Manilaang ang may pinakamataas na minimum wage sa buong Pilipinas.
