UK tuloy ang evacuation sa Afghanistan sa kabila ng naganap na Kabul airport attack

Nanindigan ang United Kingdom na tuloy ang kanilang evacuation operation sa Afghanistan sa kabila ng panibagong suicide bombing sa perimeter ng Kabul airport

Sinabi ni Prime Minister Boris Johnson na tuloy ang airlift operation ng Britanya hanggangsa huling mailabas ang kanilang mga mamamayan sa naturang bansa.

Giit ni Johnson, pinaghandaan ng military ang evacuation sa mga nakalipas na buwan at batid nila ang mga security threats na susuungin.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Johnson sa mga Afghans at miyembro ng US military na namatay sa pag-atake.

Tumanggi naman si Johnson na magbigay ng komento kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pag-atake

Samantala, kinumpirma ni Johnson na bagamat nagpahayag ang Taliban na hindi na nila papayagan ang mga Afghans na umalis ng kanilang bansa, hihimukin pa rin nila ang grupo na hayaan ang mga ito na makaalis din.