Mga kumakalat na balita hinggil sa pagkakaroon na Delta COVID- 19 variant sa lalawigan “fake news”

CAMARINES NORTE- Tinawag na “fake news” ng Provincial Health Office (PHO) ang mga kumakalat na balita hinggil sa pagkakaroon na umano ng Delta COVID- 19 variant sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa kabila ito ng dalawang magkasunod na araw na naitalang mataas na kaso ng COVID- 19.

Sa maikling mensahe ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa Brigada News FM, inihayag nito na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa lalawigan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mayroon umano sa ngayon ay tatlong kaso Beta variant, dalawa sa Jose Panganiban at isa naman sa Sta Elena.

Matatandaang unang nakapagtala ng Beta variant sa lalawigan noong Hulyo.

Ang Beta variant o ang B.1.351 ay unang natuklasan  sa South Africa noong May 2020.

Matatandaan na sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kay Dr. Francisco noong Martes, sinabi nito na lahat ng mga naging close contact ng mga nagpositibo sa Beta variant ay isinasailaim sa RT- PCR test.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, hindi lang first generation kundi hanggang second generation ay dapat ma- contact trace upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Isasailalim naman sa lockdown ang Provincial Capitol Building makaraang magpositibo ang ilang kawani nito.

Epektibo ang temporary lockdown simula August 31 hanggang September 3, 2021.