Tiniyak ng United Kingdom na welcome sa kanila ang nasa 20,000 na Afghans na gustong umalis ng Afghanistan matapos na makubkob ng Taliban ang kapangyarihan.
Ayon sa UK, mayroon silang scheme na gagawin kung saan sa unang taon ay tatanggap sila ng 5,000 refugees partikular ang mga kababaihan, mga bata at iba pang prayoridad.

Ang nasabing plano ay maliban pa sa umiiral na scheme para sa mga interpreters at iba pang staff na nagtatrabaho para sa UK.
Tiniyak naman ni Home Secretary Priti Patel na mananatili ang UK government sa pagtulong sa buong mundo sa kahalintulad na sitwasyon
Dagdag ni Patel na kilala ang UK sa pag-aalok ng “sanctuary” sa mga nangangailangan.
Siniguro naman ng gobyerno ng UK na hindi makokompromiso ang national security dahil dadaan sa “strict security checks” ang mga darating sa kanilang bansa.