BICOL—169 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region ngayong araw kung kaya pumalo 22, 995 ang total cases nito.
Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate na umabot sa 47 kung saan 26 nito ay mula sa Masbate city, anim sa bayan ng Claveria, lima sa bayan ng Aroroy, tigdalawa ang bayan ng Baleno at Milagros at tig-iisa ang mga bayan ng Dimasalang, Mobo, Palanas, San Fernando, San jacinto at Uson.
Ang Camarines Sur ay nagtala ng 41 panibagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa lungsod ng Naga, walo sa bayan ng Bula, apat sa bayan ng Siruma, tigtatlo ang bayan ng Pili at Tinambac, dalawa sa bayan ng Ragay at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Bombon, Canaman, Gainza, Garchitorena, Nabua at Tigaon.
39 na bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan tigwawalo ang mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Labo, anim sa bayan ng Sta Elena, apat sa bayan ng Vizons, dalawa sa bayan ng San Lorenzo Ruiz at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Mercedes at Talisay.
17 kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Pandan, tigdadalawa ang mga bayan ng Bagamanoc, Baras at Virac at tig-iisa ang mga bayan ng Gigmoto, San andres, San Miguel at Viga.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 15 na bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon city, apat sa bayan ng Bulan at tig-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Irosin at Prieto Diaz.
Anim na bagong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Libon at tig-iisa ang bayan ng Daraga at Manito at lungsod ng Ligao at Tabaco. Habang mayroon namang apat na mga naitalang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.
Samantala, pumalo na rin sa 18,909 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 41 kung saan 13 nito ay mula sa Camarines Sur, sampo sa Catanduanes, siyam sa Naga City, lima sa Sorsogon at apat sa Masbate.
Pumalo na rin sa 868 ang death toll matapos na madagdagan ng anim kung saan tatlo nito ay mula sa Camarines Sur at tatlo rin sa Masbate.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || slm
