Pinag-aaralan na ng UK government at Philippine army ang pagpapalawig ng security at defense ties ng dalawang bansa.
Ito ay kasunod ng pagbisita ni UK Defense Attaché to the Phils. Grp Capt. Beatrix VH Walcot sa Headquarters ng Philippine Army sa Taguig, matapos ang pagtugon sa introductory call.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad na nakipagkita si Walcot kay Army vice commander Brig. Gen. Steve D. Crespillo na siyang naging representante ni Army chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr.
Pinag-usapan din umano ng mga lider ang pagpapalakas ng ugnayan sa land domain, gaya ng pagkakaroon ng military training at edukasyon.
Matatandaang nakatanggap ang team ng PA Scout Rangers ng Silver Medal sa pre-pandemic Exercise Cambrian Patrol na ginanap sa Wales, UK.
