Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na konsultasyon sa agricultural sector partikular sa mga magsasaka bago nila inilunsad ang importation ng tone-toneladang sibuyas sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni DA deputy spokesperson Asec. Rex Estoperez na inalam na muna nila ang sitwasyon ng mga local farmers ng onions bago napagdesisyunan ng Gobyerno na mag-angkat ng sibuyas.
Una na kasing nabatikos ang hakbang na ito lalo na’t harvest season na rin ng mga lokal na sibuyas.
Samantala, kinumpirma ni Estoperez na hindi na darating ang unang na-aprubahahang 21,000 metric tons ng mga sibuyas.
Aniya, ang mag-aapply na lang daw mula sa order na ito ay ang 5,000 metric tons; habang 3,5000 MT pa lamang ang nakararating sa bansa.
