100,000 na mga prangkisa, inilaan ng LTFRB sa Grab

Naglaan ng 100,000 franchises ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa app-based transportation company na Grab.

Ayon sa LTFRB, ang pag-allocate ng mga slots ay bunsod ng tumataas na demand para sa transport network vehicle service sa bansa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Isinulong din umano ito ng ahensya bilang tugon sa commitment ng Grab na mag-invest sa Pilipinas, na siya ring namang magbibigay-daan para sa inaasahang 500,000 trabaho sa bansa na una nang sinabi ng transportation company.

Paliwanag ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz, plano nilang i-extend ang pag-apruba sa mas maraming prangkisa sa loob lamang ng tatlong buwan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kung sakaling mangailangan pa o mas tumaas pa ang demand sa transportasyon ng bansa, mabibigyan umano ng prangkisa ang ibang mga motor vehicles na hindi konektado sa Grab, lalo na sa mga lugar sa labas ng Metro Manila gaya ng Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.