NAMAGITAN na ang militar sa dalawang grupong naglalaban sa bagong tatag na bayan ng Nabalawag sa Special Geographic Area ng BARMM kahapon na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo katao.
Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Nabalawag MDRRMO Chief Datu Mando Sendad, apat mula sa pitong barangay ang naapektuhan ng armed conflict at ito ay ang mga barangay ng Nabalawag, Kadingilan, Damatugan at Kadigasan na may kabuuang mahigit anim na raang pamilya.
Bukod sa armed conflict apektado rin ng pagbaha ang apat pang mga barangay na kinabibilangan ng Kudarangan, Kadigasan, Damatulan at Ulandang na may kabuuang 6,000 plus families affected.